share it

Monday, August 22, 2016

4 na mga Hamon ng Pinalaganap na Pagpapasuso

Bilang pag-alala na ang buwan ng Agosto ay Buwan ng Wikang Filipino at Buwan ng Pagpapasuso, susubukan kong magsulat ng purong Filipino lamang ukol sa paksang "mas pinatagal na pagpapasuso", o kung sa Ingles ay "extended breastfeeding".

Bilang mamamayang pilipino na lumaki sa Mindanao at namulat sa idyomang "bisaya", ako ay hindi sanay magsalita at magsulat sa wikang Filipino. Subalit ituturing ko itong hamon, sapagkat nararapat lamang na marunong akong magsulat at magsalita ng Wikang Filipino. hehe.


Karamihan sa mga nagpapasusong ina ay tinitigil na ang pagpapasuso sa kanilang mga anak bago pa man sila mag-isang taong gulang. Isa ako sa mga nanay na piniling palawakin ang pagpapasuso sa aking anak. Ang pinalawak na pagpapasuso ay ang pagpapasuso sa kanilang mga anak na isang taong gulang pataas.

Si Nate ngayon ay dalawang taong gulang na at dumidede parin sa'kin. Maliban sakin, umiinom din sya gatas na binibili ko para sa kanya dahil hindi na sapat ang gatas ko para sa kanya. Pero hindi maipagkakaila na mas paborito nya parin ang dumede sakin.

Bilang ina na nagpapasuso sa isang dalawang taong gulang na bata, marami akong nakitang mga hamon sa aking pagpiling pagpapasuso parin sa aking anak, para sa akin, ito ay ang mga sumusunod:

1. Mga Di-Kanais-nais na mga komento
"Ba't dumidede pa yan, ang tanda na nyan?", "Uy, dumidede parin yan, ang laki-laki na nyan ah, wag mo na padedein yan!", "kaya pala medyo payat sya kasi pinapadede mo pa pala", yan at marami pa akong mga naririnig na komento dahil pinili kong padedein ang anak kong dalawang taong gulang.

Sa totoo lang, naririndi ako pag naririnig ko ang mga komentong 'to. Para sakin, wala tayong karapatang diktahan ang mga magulang kung ano ang dapat na gawin sa kanilang mga anak, lalo na kung wala naman silang ginagawang masama.

Maraming mga dahilan kung bakit pinili ng isang ina na magpasuso parin kahit na medyo may edad na ang kanilang mga anak at ang mga benepisyong ito ay sinulat ko sa post ko noong nakaraang taon.

2. Kawalan ng Oras sa ibang mga bagay
Kapag lumalabas ako ng bahay, dapat ay kasama ko ang anak ko o kung hindi man, ay dapat umuwi ako kaagad dahil may anak akong pinapadede na iniwan ko sa bahay. Ito ang isa sa mga hamon ng nagpapadedeng ina. Medyo mahirap iwanan ang anak dahil hahanapin nila tayo kapag nagugutom sila.

3. Posibleng Sugat o Matinding Sakit
Dahil malaki na ang ating mga anak, mas malakas na silang dumede ngayon. Ang ibang ina nakakaranas na magkasugat ang kanilang mga dede. Sa karanasan ko, napansin ko na mas malakas na dumede si Nate ngayon, kaya mas masakit na din para sakin. Pero salamat naman at hindi parin ako nasusugatan, sana naman 'di mangyari yun. :)

4. Mas mahirap ang pagpapatigil sa kanilang dumedede (weaning)
Mas mahirap ang pagpapatigil na magpadede (weaning) sa ating mga anak kapag may edad na sila dahil hindi na natin sila basta bastang ma-daya dahil mas may alam na sila. Halimbawa, dati, sinubukan kong patigilin si Nate sa pagpapadede, kaya nilagyan ko ng pulang ketsup ang aking dede, noong una ay natatakot sya, katagalan ang tinatanggal nya nalang to. Ang aking plano ay dapat hindi na sya dumidede bago pa sya mag tatlong taong gulang. Kaya sana ay makahanap ako ng paraan para mapatigil ko na sya.

Kaya sa mga nanay na nagpapasuso parin sa kanilang mga anak na mahigit isang taong gulang. Alam ko may sarili tayong mga dahilan kung bakit ito ang pinili natin, at nasisiguro ko na ang lahat ng dahilan natin ay para sa ikabubuti ng ating mga anak. Kung ano man ang nararanasan nating mga hamon, wag nating kalimutan nag ginagawa natin to para sa ating mga anak, at hindi para sa kung ano pa mang dahilan.

Kung may mga negatibong komento tayong naririnig, mas magandang hayaan nalang natin at ipagkibit-balikat nalang. Kaya natin 'to! Wag lang susuko! :)


*Ay, sa wakas, natapos din tong purong Filipino post na 'to! haha. Ang hiraaaaap!*

Facebook Blogger Plugin by JustNaira.com | Get Widget

30 comments:

  1. Ang hirap pala ng article kapag purong tagalog. Anyway, I could relate coz my little sister is still breastfeeding. And like what you've mentioned. Im also hearing the same comments. I believe that breastfeed kids are healthier.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sobrang hirap! haha. Yes, true that! Please tell your sister she's doing a great job and not to quit. :)

      Delete
  2. Nag breastfeed ako until he reached two years old as far as I remember wala me narinig comments na bador busy lang ako sa pag breast feed :-). Even we are in Boracay by that time kahit nag island hopping kami and sa airport nag breastfeed ako :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Good for you sis, sa akin, ang dami! haha. Pero wapakels din ako, bahala sila. lol.

      Delete
  3. I was able to bfeed my youngest till he was almost 3. We've managed to wean already when he turned 3. Whew! If you need help on weaning, here are some tips I can share with you:
    http://mamemimommy.com/tutorial/5-tips-on-weaning-a-toddler/

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, I read your post about weaning! Thanks for sharing! I hope soon, ma wean ko na din sya. Pero my goal lang is anytime before he turns 3.

      Delete
  4. I wasn't able to breastfeed my boys for a long time. Too bad. I tried to be intentional on my second born but i experienced too much pain (due to improper latch). Nobody taught me how to do it. So i just gave up. I'm glad there are a lot here in MB that are really into breastfeeding. At least maraming source of info. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. That's ok, mommy! :) Yes, marami din ako info nakuha from other MBP moms.

      Delete
  5. Nice reading this at this point in my pregnancy. I'm giving birth soon and plan to breastfeed my son. I have to manage my breastfeeding expectations talaga coz I wasn't so successful with it before. Mahirap sya talaga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. God bless and have a safe delivery!

      Delete
  6. Dumogo ilong ko dito ha. Hahaha. Ang hirap din mgbasa ng purong Tagalog, although it's cute and fun. Lol. Anyway, I just weaned my son from breastfeeding 3 weeks ago. He's 28 months now. Madali na mahirap. Mahirap iexplain. Madali kasi once lang ayaw na nya. Mahirap kasi it's the only bonding we have as a mother and child. Nakakamiss din. And yes, when you breastfeed mawawalan ka ng oras sa ibang bagay. And true to comments from public. I've been ignoring that since my son turned 1. But I'm glad I've breastfed my son until he's 2. More pa nga. It was worth it kasi hindi masakitin si baby.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sobrang hirap, nakakaloka, di na din ako masyado sanay magsulat ng Filipino! That's one thing that I really noticed, thank God, di talaga masyadong sakitin din si Nate. At ang sinabi mong nakakamiss, yan din ang iniisip ko. Parang ang lungkot lang kasi minsan pag naiisip ko. Pareho yata kaming di pa ready. haha.

      Delete
  7. I've been breastfeeding my daughter until now and she's already 2 years old. And like you, I get to hear negative comments about extended breastfeeding but I don't mind them. Breast is best, as they say, and I can attest to that. Kahit na lahat kame magkasakit dito sa bahay, ang anak ko hindi nahahawa at malakas ang resistensya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. That's really good to hear! Kahit sa Nate ko, wala din masyadong sakit, thank God! And yes, I don't mind the comments too, sana lang they also mind their own business no? hehe.

      Delete
  8. Dangan din lamang na ngayon ay Linggo ng Wika pa rin, ako ay sasagot na rin sa wikang Tagalog.

    Sadyang napakahirap ng pagpapa-suso subalit ito naman ay para sa magandang kalusugan na idudulot sa ating mga anak.

    Kung mayron mang mga mangilan-ngilang tao na ito ay ikinahihiya, hayaan lamang sila sapagkat hindi naman sila ang makikinabang sa maraming sustanya na dulot nito.

    Ika nga ng mga matatanda, ang batang lumaki sa gatas ng ina ay sadyang magiging malusog, matalino at mapagmahal na tao.

    Whew!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo iyang sinabi mo. At sana ang mga panahong sumususo sya sa akin ay maging magandang pundasyon naming mag ina hanggang sa kanyang paglaki! hehe.

      Delete
  9. Ganda magbasa ng articles na Filipino ha! I'm sure mas challenging! About breastfeeding, ang number 4 jud ang pinaka-challenging sa amua. It took me almost a month to successfully wean Yuri off the breast, and almost 3 na sya ato!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay, super challenging Maan! Sakit sa ilong! haha. Ako, ambot kaha ug unsaon nako sya pag wean. Wala pako kabalo! haha.

      Delete
  10. Naalala ko tuloy ang breastfeeding days ko sa dalawang anak ko. Tough at times but super worth it including having to use breaktime at work to pump milk. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha! Yes, challenging but unforgettable too! lol.

      Delete
  11. I never cared kung anu sabihin ng ibang tao about breastfeeding dahil bilang ina tayu ang mas may alam kung anu nakakabuti para sa atin anak. Saludo Ina!

    ReplyDelete
  12. Kay sarap marinig na sariling wika ang namumutawi sa ating bawat bigkas. Lalo nitong pinasisidhi ang ating pagkilala sa ating mga ninunong Pilipino at ang pagmamahal natin sa ating sariling Wika.

    Ako ay kaisa mo sa pagpapalaganap ng kagandahan ng pagpapasuso sa ating sanggol maging sila ay lumaki na. Sa aking panananaw, ang pagbabahagi ng gatas ina sa ating mga anak ay nakakatulong rin sa magandang relasyon ng ina at anak. Ipagpatuloy mo ang iyong naumpisahan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dumudugo lalo ang ilong ko sis, napakalalim ng iyong mga sinabi, hindi ko maarok! haha. Patuloy nating isulong ang pagpapasuso sa mga sanggol. :D

      Delete
  13. I wish I was able to to breastfeed long like you do. I had difficulty in breastfeeding because of a cyst under the nippie. Good job sayo mommy!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you sis! Aww, I'm sorry to hear that! I hope ok na sya now.

      Delete
  14. Ang galing galing naman! Ako din ay nagpapasuso sa aking mahigit isang taon na anak, ang pinakamahirap na hamon sakin ay yung madalas siyang mangagat tapos ngingiti na kala mo ay nang aasar pa hehehe. Sa awa naman ng Diyos, nairaraos ko ang hapdi at sakit, ang ginagantihan ko e yung ama niya hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha! Naughty Cloud! :D Tama yan gaw, iganti mo kay Vincent! lol!

      Delete
  15. Breastfeeding is no easy feat. I had trouble doing it for my little man that is why I vowed to breastfeed my next baby. I salute all mums who went to all the trouble just to give the best for their babies. I sure hope every mum can do the same.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Congratulations on breastfeeding your 2nd! :)

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...