share it

Thursday, July 6, 2017

REAL TALK: Bakit 'di Ka Pinapautang ng Kakilala Mo?


Sa panahon natin ngayon, hindi maiiwasang magipit financially, lalong lalo na kung nagkaroon tayo ng emergencies. Sa panahon ng kagipitan, karamihan sa'tin humihingi ng tulong sa mga kamag-anak o kaibigan. Kaya lang, hindi rin guarantee na makakahiram tayo. Yung iba nagtatampo bakit ayaw pahiramin, which is hindi naman tama. 

Bakit nga ba 'di tayo pinapautang ng kakilala natin minsan?

1. Hindi ka good payer
Ito ang pinakamabigat na dahilan sa lahat. Baka naman kasi nalaman nila na ung hiram mo sa ibang tao ay di mo pa rin nababayaran, mag iisang taon na, bes. Mahihirapan ka talagang manghiram uli 'pag ganyan. Mahirap kasi talaga pag ang tiwala ng isang tao ang nasira - talagang hindi ka basta basta makakahiram o makakaulit pa.

2. Sakto lang ang pera sa budget nila
Majority naman kasi sa'tin kung hindi kulang ay sakto lang sa mga pangangailangan ang sinasahod. Tulad mo, hindi pa man nila natatanggap ang sahod nila, nakalaan na ang pera sa kung saan mapupunta. Hanap nalang muna sa iba kasi wala talaga, friend. Sakto lang e.

3. Ayaw nila masira pagkakaibigan nyo
Marami na tayong naririnig nga kwento about sa pamilya o pagkakaibigan na nagkasiraan dahil sa pera. Kami, may kakilala kaming medyo may kaya sa buhay pero ayaw talaga nya magpahiram ng pera kasi nasisira daw ang pagkakaibigan. May point naman din sya don although hindi dapat applied sa lahat yon, naiintindihan ko sya.

'Yong iba kasi, natatakot na baka 'di na mabalik ang inutang sa kanila. Kapag nangyari 'yan, syempre, di mo naman maiaalis sa tao ang magtampo kung ang hiram sa kanya ay di mabayaran. So, iwas iwas nalang sila para sigurado.

4. May mga utang din sila
Lahat tayo may kanya kanyang mga challenges na kinakaharap sa buhay. Baka naman ung hiniraman mo ay may mga dues din na kailangang bayaran sa ibang tao or companies/agencies. Kahit ako, uunahin mo muna syempreng bayaran ung dues ko bago ako magpahiram ng pera. Sa hirap ng buhay ngayon, hindi nakakagulat na maraming pinoy ang may utang na kailangang bayaran.

5. Baka sila naman ang magipit
Sabihin na nating meron silang naitabing konti mula sa sahod. Malay natin, pilit nilang tinatabi yun para sa emergency. Okay lang sana kung mababayaran mo kaagad, guaranteed. Pero kung walang kasiguruhan, naku, baka naman sila ung magipit, bes. Kawawa naman din sila, 'di ba?.

Sa panahon natin ngayon, digital na ang utang, marami ng nanghihiram kahit hindi na sa personal, via social media nalang. Kung sakali mang tinanggihan ka ng hiniraman mo ng pera, wag sana magtampo, i-evaluate ang posibleng dahilan nila kung bakit hindi ka nila mapahiram sa ngayon. At kung sa tingin mo ang dahilan ay dahil hindi ka mahusay magbayad ng utang, sikaping maging 'trustworthy' kumbaga, pag dating sa utang. Yung iba kasi, 'pag di mo kinulit, 'di talaga magbabayad.

Hindi maiiwasang magipit minsan at kailangan umutang. Lahat tayo dumadaan sa ganitong sitwasyon. Syempre, mas maganda parin yung sikapin talaga na hindi mangutang hangga't maaari ng walang dagdag sakit sa ulo. Pero sa 'pag may mga "unforseen circumstances" at nahihirapang manghiram sa mga kakilala, intindihin ang dahilan nila at wag magkaroon ng sama ng loob. Total, marami na ding mga coop at lending agencies na pwede nating takbuhan pagdating ng kagipitan.

Sa panahon ngayon, bihira nalang ang taong nakakapagpahiram sa'tin agad ng pera. 'Wag natin sayangin ang tiwala nila sa'tin. Dahil sabi nga sa kasabihan:

"Ang 'di marunong lumingon sa kanyang pinag-utangan ay 'di makakaulit kailanman." 

Natatawa ako sa saying na 'yan, haha. Pero totoong totoo 'yan! Ano pa ang mga dahilan at 'di nagpapahiram ang isang tao? Meron ba akong na-miss?

Facebook Blogger Plugin by JustNaira.com | Get Widget

18 comments:

  1. OMG!!! Bilis ah! hahahah! salamat kaau gaw sa imong pagpa utang nako ha? heheheh!

    ReplyDelete
  2. Super agree sa mga reasons. Allergic ako sa word na utang. hehehe! Hindi ko kasi alam bakit nagkakasakit ng amnesia ang mga pinapautang. Totoo din na digital na ang utang, through social media na lang so parang ikaw pa mag-eefort kung paano isend ang utang nila. #nakakaloka. Hindi rin nakakaulit sa kin ang mga di nagbabayad, nakakadala e.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Oo, amnesia, that's the right term! Grabe din ung ikaw pag mag eeffort isend ang utang nila. Kami din, takot kami sa utang kaya hangga't kayang wag mangutang wag talaga. Hirap kasi.

      Delete
  3. Agree with all your reasons. Personally, as much as possible, ayokong umutang and ayoko din magpautang unless sobrang close kong kaibigan yung tao or immediate family. Mahirap kasi yung feeling na you owe someone.

    ReplyDelete
    Replies
    1. You're right! Although may mga panahong 'di talaga maiiwasang mangutang talaga. wala naman sanang problema kasi dun, ang mahirap lang sa karamihan kasi, kinakalimutan.

      Delete
  4. Yes, the sayings is funny yet very true. I hate lending money from others. It shows you havent prepared for the incoming expenses. But there are circumstances that may push you to do so. Just make sure you know how to pay your debts. I guess the best solution to avoid borrowing money is to save for emergency and unforeseen events.

    ReplyDelete
    Replies
    1. If only all people think would be responsible in paying there debts, there shouldn't be a problem, di ba?

      Delete
  5. Korek ka dyan sis. Ako naman as much as we can, hindi kami umuutang. The same thing that we don't lend money unless sobrang emergency and there's a life at risk. Main reason ko lang is hindi ako marunong maningil hehe. Seriously, kung maliit na amount lang like close family naman at magsabi na uutang, I will not consider it as utang. Bigay na, hindi ko na sisingilin at nasa kanya kung maalala nya magbayad.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maganda 'yan sis. Oo, pag sa pamilya, pwede mo nalang kalimutan lalo kung di naman kalakihan.

      Delete
  6. Great post! Nagamit ko na yata lahat ng reasons na yan, which are all true. And sometimes you just need to take care of your own finances first. Parang ang hirap naman tumulong kung kapos ka rin diba? What's sad nga lang is how people interpret your reasons. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay, super correct ka jan, sis! Pag di ka lang makapagpahiram, masama kana kaagad, walang puso, at kung ano pang tawag sayo. :( Kung pinupulot sana ung pera, no? :(

      Delete
  7. Nice post. Ako personally and my husband na din, ayaw namin ng nangungutang as much as possible. Kung di pa kayang bilin, wag pilitin. At kung magpapa-utang kami yung super close lang din at alam namin kailangan talaga. Para kahit di man kami mabayaran alam namin na napunta sa mabuti or nakatulong talaga kami.


    www.mayenscorner.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you! Maganda parin ung wala kang iniisip na utang talaga sa ibang tao, no? Walang pressure kumbaga. Kung siguro lang magaling magbayad lahat ng tao, wala sanang problema. :(

      Delete
  8. Hay naku, maraming nasira sakin dahil sa pera. Marami akong natakwil na kamag anak at pinagpapasa Dios ko nalang silang lahat hehehe. Masakit yan sa ulo! Lols.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sobrang sakit sa ulo, gaw! haha. Iba talaga itong salitang 'to, malupet. lol.

      Delete
  9. Tawang tawa ako sa quote eh! :) Nice one!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...