share it

Tuesday, August 22, 2017

Ano ang Tandem Nursing?


Dahil ang Agosto ay Buwan ng Wika at Buwan ng Pagpapasuso, ako ay nagbabalik para sa isang madugong bakbakan upang mairaos ang isang blog post na Filipino, gaya na lamang ng post ko noong nakaraang taon. :)

Ano nga ba ang tandem nursing? 
Hindi ko pa ito nasubukan dahil isa lamang ang anak ko at hindi na sya sumususo sa ngayon, ngunit ang tandem nursing ay ang sabayang pagpapadede ng dalawang batang magkaiba ang edad.

Ipagpalagay nalang nating may isang inang may dalawang taong gulang na anak at bagong panganak na sanggol na parehong dumidede sa kanya. Ito ang tinatawag na tandem nursing or tandem feeding. May katumbas bang wika ang tandem nursing o tandem feeding sa Filipino? Iyan ang hindi ko tiyak, subalit, nang aking tanungin ang aking kaibigang si Google, ang sabi nya, ang tandem nursing sa Filipino ay "magkasamang pagpapakain".

Sino ang dapat na unahin? 
Kung sabay na manghihingi ng dede ang dalawang bata, sino ang dapat unahing padedein ng isang inang nagtatandem nursing? Ayun sa mga eksperto, nararapat unahing pakainin ang sanggol sapagkat ang gatas ng ina lamang ang tangi nyang pinagkukunan ng pagkain sa ngayon. Mas kailangan nyang makadede sa ina. Maliban dito, ang colostrum na alam nating malaki ang maitutulong upang mapalakas ang resistensya, ay nararapat lamang na mapunta sa sanggol.

Ang mas nakatatandang kapatid, sa kabilang dako, ay makakapag-antay sandali o di kaya ay maaaring kumain muna ng ibang pagkain kagaya ng prutas, gulay at iba pa. Kung marami namang supply na gatas ang ina, mas mainam na pagsabayin ang dalawang bata sa pagpapadede, mas makakatipid ka pa sa oras.

Ano ang mas maganda - tandem feeding o ihinto ang pagpapadede sa mas nakatatanda? 
Nasa ina ang desisyon pagdating sa bagay na ito, sa tulong na rin ng kanyang doctor. Kung  kaunti ang supply gatas, maaaring kailanganing ihinto ang pagpapadede sa mas nakatatandang kapatid upang makapagpokus sa sanggol. May mga bata naman na kusang humihinto sa pagdedede kapag ang gatas ay nagkaroon na uli ng colostrum dahil sa lasa nito. Pero hindi ito totoo sa lahat, may ibang batang nagugustuhan ang lasa ng colostrum. Mas mabuting kumunsulta sa iyong doctor upang malaman kung dapat bang ihinto nalang ang pagpapadede sa mas nakatatanda o kung ayos lang na i-tandem feeding ang dalawang bata.

Maraming salamat sa pagbabasa. Sana ay nakatulong itong post na ito. Ngayon ay makakahinga na ako ng maluwang. haha!

Facebook Blogger Plugin by JustNaira.com | Get Widget

24 comments:

  1. We are tandem feeding our newborn and two-year-old boy. And there seem to be no problem at all. I find it helpful as I have plenty of milk as of today and with my older son asking milk, it helps me deal with the engorgement.

    ReplyDelete
  2. Naisip ko nga si Mommy Berlin sa usapang tandem nursing. D ko yata kaya ito. Haha! Though ngayon hindi malakas uminom si baby pag nagbobote kaya pag may sobra binibigay ko nalang sa mga kapatid niya. Gusto pa naman nilang inumin hehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hala! haha. Buti gusto parin nila, sis? Ako siguro, kung may milk pa ngayon, baka di parin ako tantanan ni Nate. haha.

      Delete
  3. Haven't experienced tandem nursing although I've seen some moms do it. I feel that tandem nursing will also make the baby and toddler closer since they have a special bonding activity with mommy. I also admire moms who are breastfeeding advocates.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I think so too! I haven't personally seen someone tandem feed. Soon when I see Berlin feed her boys, maybe. hehe.

      Delete
  4. This is a very helpful information hindi lang para sa mga dakilang ina, kundi para din sa mga wala pang anak. I believe na and tandem nursing ay makakatulong di lamang sa relationship ng mga bata sa ina, kundi pati na rin ang relationship ng magkapatid. Naniniwala ako na pwedeng maging factor ang tandem nursing para maging closer ang mga bata sa isa't isa na pwede nilang madala hanggang pagtanda.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo yan! Tama ka jan. Mukhang nakakatuwa din na sa murang edad, alam na nila mag share. hehe.

      Delete
  5. Wow, hindi ko naisip na may tandem nursing kasi ang alam ko pag may kasunod na daw, yung dumedede bigla na lang nawawalan ng gana sa breastmilk. Matanong nga sa nanay ko kung naexperience niya before, magkasunuran lang kasi yung kapatid ko. Same tayo, isa lang anak so wala katandem. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha. Appear tayo jan, sis. Actually, parang ako yan, di na tandem feed kaya pumayat daw nung baby kasi ni-wean nila ako dahil may baby#2 na.

      Delete
  6. May ganito pala, first time I've read about this. Hindi ko naman naexperience kasi my eldest was 4 when we had our 2nd baby. Parang ang hirap, lalo na kung sabay lahat. But I think the mom needs to double up her nutrition kapag ganito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, I think so too. Mas challenging dahil dalawa ang pinapakain.

      Delete
  7. wow! this is so interesting as it is in filipino! ive been away from home for over 20 years and i rarely speak it and to read it is actually nostalgic although im not from a nursing industry! have a great weekend! www.crayonized.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'm glad you still understood. :) I did have a great weekend, thank you! :)

      Delete
  8. Very interesting read, however i think I would not do it. I'll them use feeding bottle with my breatmilk in it rather than sucking it directly. In this way, they will learn to be independent.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I can't say if I'll do it or not. I do think it's very challenging. :)

      Delete
  9. Sasabayan ko yung pagtatagalog mo ha hehehe.

    Magagawa ko na sana to subalit, datapwat, alam mo na ang nangyari lols. Kung titignan ko, malamang makikipag agawan pa si Cloud sa nakababatang kapatid niya. Hayok to sa gatas ng ina e hahaha. Pero malay natin sa susunod na taon. Abangan! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Abangan ang susunod na kabanata! Kung hindi naman kailangan na ihinto ang pagpapadede ay hayaan na lang si Cloud kung kailan nya gustong tumigil. hehe.

      Delete
  10. Good thing it's September na and madali na magcomment hehe. Ang galing naman! You are very informative. Honestly, never heard of tandem nursing term before. Galing.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I didn't know about it until about 2 years ago yata, when I encountered the term at work.

      Delete
  11. I'm for breastfeeding for sure. However tandem breastfeeding, well, I'm not sure.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'm not sure if I can do it too, lol!

      Delete
  12. Hindi ko ito nasubukan dahil sa malayong agwat ng edad ng aking mga anak.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganun din siguro ang mangyayari sakin, hehe.

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...