share it

Friday, April 27, 2018

Kaya Mo ‛Yan, Mommy!


Bilang ina, marami tayong mga challenges sa buhay araw-araw. Karamihan sa'tin ang number 1 na inaalala ay ang sandamakmak na bayarin! Bills dito, bills do'n, tuition, utang, at marami pang iba. Nakakaloka na minsan lalo na pag ang sahod ay kulang na kulang sa mga bayarin. Kahit anong bali-baliktad ang gawin mo, hindi kayang pagkasyahin sa budget. Taas ang kamay sa nakakarelate! 

Aside pa dyan, pwedeng may problema din tayo sa mga kasama natin sa bahay. Nagkaroon na naman ng tampuhan sa asawa, di pagkakasundo sa mga in-laws, or kaya naman nakasagutan lately and iba pang membro ng pamilya.

Samahan mo pa ng umiiyak na baby or nagtatantrums na anak. Kahit anong lambing ang gawin mo, ayaw talagang tumigil sa kakaiyak. Minsan ang sarap ng tumambling talaga! LOL!.

Gusto mo ng kahit ilang oras sanang "time-out" pero hindi kaya o hindi pwede kasi either walang magbabantay sa anak mo o sooobrang dami ng gawaing bahay. Andaming sale mga tindahan online or sa mga malls pero alam mo yung hanggang tingin ka lang?

Ang hiraaap!

Wala na, matagal ng tapos yung panahon na yung LQ nyo lang ni BF ang problema mo or kaya hindi ka makakanood ng sine kasi kulang ang naipon mo. Wala na bes, lumipad na palayo ang teenage days mo. Adulting na 'to, Adulting version 2.0! :D

Hindi talaga maiiwasang madown minsan. Talagang may mga times na mapapahagulgol ka nalang sa asar. Kaya nga nakakalungkot na yung iba, hindi talaga kinaya ang mga hamon ng buhay, nagsu-suicide. At hindi natin sila pwedeng husgahan dahil wala tayo sa sitwasyon nila.

Pero bakit andito ka parin, kinakaya ang lahat?

Bakit kahit sobrang hirap na, push parin ng push?

Bakit kahit groggyng-groggy kana, game on parin?

Bakit?

Dahil may mga mahal ka sa buhay. Isang ngiti lang ng anak mo, pawi lahat ng pagod. Kahit gumapang pa araw araw sa trabaho, gagawin para sa kanila. Kahit hirap na hirap ka pa "to make ends meet" sabi nga ng iba, e eto ka parin at pilit na nakikipagbunuan sa lahat ng problema sa buhay kasi alam mo na ang lahat ng ito ay worth it pagdating ng panahon.

Oo, worth it ang lahat ng pagod at puyat. Worth it ang lahat ng luhang pumatak sa mga mata mo. Worth it ang lahat ng pagpipigil sa sarili na ginagawa mo para maayos ang budget.

Bakit?

Kasi pagdating ng panahon, malalagpasan mo rin ang mga to. At lilingon ka ng nakangiti dahil ang dating iniiyakan mo ay experience nalang na proud kang sabihing "nalagpasan ko 'yan!" ngayon.

Kaya sige lang, bigyan mo ng konting break ang sarili mo. Bayaan mo 'yang mga hugasin o labahan dyan, makakapag-antay yan sila sayo. Kaya mo 'yan, Mommy!


"Come unto me, all ye that labor and are heavy laden, and I will give you rest."
Matthew 11:28







Facebook Blogger Plugin by JustNaira.com | Get Widget

6 comments:

  1. Life becomes more and more complicated as we age. Dati sarili lang natin ang iniisip natin, pero ngayon kasi lahat ng desisyon natin para sa ating buong pamilya. Pero importante din ang "me" time para din sa ating sarili. Loving and taking care or ourselves means loving our family too.

    ReplyDelete
    Replies
    1. That's true! For sanity's sake also! haha.

      Delete
  2. Relate na relate ako. Haha! I guess lahat tayong moms pinagdadaanan talaga yan. Whenever I feel this way, I remind myself na being a mom is my greatest dream. I am actually living a dream so dapat maging thankful lagi kahit challenging ang life minsan. :)

    ReplyDelete
  3. Kaya natin yan! Ang buhay natin ay paiba-iba, may times na chill lang, may times naman na nakakastress. Pag stress na stress din ako, bahala na ang ibang chores, it can wait. hehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo 'yan! Kasi never ending din naman ang chores! lol.

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...