share it

Wednesday, July 4, 2018

NO NO To Second-Hand Smoking (SHS)



Habang pauwi kami ni Nate sakay ang tricycle, may isang lalaking pumara at tumabi sa'min. Bago sya pumasok, nakita kong hinithit nya ang sigarilyo nya at hinawakan 'to habang pumapasok sa loob ng trike.

Nate, being daldalito, tumingin sa kanya, then tumingin sakin sabay sabi:

"Ma, 'di ba hindi good ang mag-smoke? Nag smoke sya." Sabay tingin kay kuya.


Walang ka mode-moderation ng boses ang pagkakasabi nya, mga Inay! At rinig na rinig ni Kuya! LOL.

Napasmile kami pareho at tinapon nya na agad ang yosi nya. Siguro nahiya sya sa sinabi ng inosenteng bata. This happened earlier this year.

Pag-usapan muna natin 'tong tinatawag na: "SECOND-HAND SMOKING"

Tinatawag na second-hand smoking o SHS kapag ang tao ay nakalalanghap ng usok na binubuga ng taong naninigarilyo o kaya naman ay nakaamoy ang usok na galing sa sigarilyo mismo.

• Kung ikaw o ang anak mo ay madalas nakakalanghap ng second-hand smoke, ang tawag sa'yo ay involuntary or passive smoker.  
• Ang second-hand smoking (SHS) ay pwedeng mag cause ng cancer. 
• Ang second-hand smoking ay pwedeng magdulot ng lung cancer kahit pa hindi nagyoyosi ang tao. 
• Maliban dito, ang SHS ay pwede rin magdulot ng iba pang uri ng sakit.  
• Ang pinaka apektado sa lahat ng SHS ay ang mga bata. Posible silang maging sakitin at magkaroon ng lung infections gaya nalang ng bronchitis at pulmonya.  
• Nagti-trigger din ito ng pag-atake ng asthma at paglala ng sintomas ng hika.  
• Sa mga sanggol, pwede itong magkaroon ng mas seryoso pang outcome kasama na d'yan ang sudden infant death syndrom (SIDS). 

Bakit ko sinasabi 'to? Kasi nanay ako. At #1 pet peeve ko ay ang mga taong nagyoyosi kung saan saan lang at walang pakialam sa mga pwedeng makalanghap ng usok ng yosi.

Kung wala kayong pakialam sa katawan nyo at hindi nyo kayang iwan ang pagyoyosi, nasa inyo na 'yan.

Pero PLEASE LANG, WAG MALAPIT SA MGA BATA AT SA HINDI NAGYOYOSI!!! WAG NYO KAMI IDAMAY. 

Balakayo maglanghapan ng usok dyan, lampake. LOL. 

Source: https://bit.ly/2jM0fl7

Facebook Blogger Plugin by JustNaira.com | Get Widget

1 comment:

  1. No to second hand smoking talaga. Hate na hate ko ang smell ng cigarette. Kaya when I was still young, I prayed na hindi smoker mapapangasawa ko. hehehe!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...